Ni FREDDIE C. VELEZ

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Kasunod ng kahindik-hindik na massacre sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose Del Monte City, Bulacan noong nakaraang buwan, muling nagimbal ang mga Bulakenyo sa pagkakatuklas sa bangkay ng isang limang taong gulang na babae sa loob ng isang sako na itinapon sa talahiban sa Verde Heights Subdivision sa Barangay Kaypian sa lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Romeo M. Caramat, Jr., director ng Bulacan Police Provincial Office, batay sa report ni Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte City Police, may bahid ng dugo ang butas ng puwit ng bata.

Natukoy ang suspek batay sa kuha ng CCTV camera sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sabado ng gabi nang inaresto ang 13-anyos na suspek, na dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang ama para sa imbestigasyon.

Sinabi naman ni Supt. Macariola na inamin ng binatilyo na pinatay nito sa sakal ang bata, ngunit hindi ginahasa.

“Pinatay daw niya (suspek) sa sakal ang kalaro niya, pero ‘di daw niya ito ni-rape. Hindi raw niya sinasadyang gawin ‘yun, galit na galit lang daw siya sa batang babae dahil tinutukso siyang kirat,” kuwento ni Supt. Macariola.

“Matapos daw niyang sakalin ang bata ay tinusok niya pa ito ng kahoy sa puwet.”

Batay sa report, nasa loob ng sako ang bata, na may nakataling alambre at bag strap sa leeg.

Inilipat naman ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng pulisya sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Office ang binatilyo.