Ni: Nora Calderon

NAGBA-BLUSH blush pero hindi mabura ang magandang ngiti ng Kapuso hunk na si Jak Roberto kapag tinatanong tungkol kay Barbie Forteza.

JAK copy

Ayaw niyang sumagot ng diretso kapag tinatanong kung nililigawan o girlfriend na ba niya si Barbie. ‘Yun naman pala kasi, medyo naguguluhan ang binata sa drama primetime princess na hindi raw niya alam kung kailan seryoso at kung kailan nanggo-goodtime lang.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“More on friendship po kasi ako,” sabi ni Jak nang makausap namin sa kick-off ng second anniversary celebration ng Sunday Pinasaya. “Bonding po namin ni Barbie manood ng sine, pero hindi lang kaming dalawa ang magkasama, ang parents niya kasama namin. Kagabi po, (Sabado, July 22) magkakasama kaming nanood ng Caredivas sa PETA Theatre, in support namin kay Alden (Richards) na producer ng musical show at sa kasama namin dito sa SPS, si Jerald Napoles na isa sa cast. Kasama namin ni Barbie, sina Gabbi (Garcia), Valeen (Montenegro) at ang sister kong si Sanya (Lopez).

“Ayaw ko rin pong pangunahan si Barbie, ayaw ko kasing kapag niligawan ko siya magkailanan pa kami. Mas mabuti na iyong close friends lang kami. Hindi ko naman isinasara ang possibility, mabait po si Barbie, hindi siya mahirap pakisamahan. Hindi ko rin kasi malilimutan kung paano niya kami sinuportahan, kaming apat na leading men niya sa Meant To Be, maalaga rin kasi si Barbie sa mga kasama niya sa show.”

Habang wala pang bagong soap, bumalik na si Jak sa Bubble Gang, Dear Uge at sa “Boy’s Room” segment ng Sunday Pinasaya. Siya rin ang co-host ni Joey de Leon sa Kapuso Milyonasyon. Pero hinihintay na nila ang pasabi muli ng GMA-7 para sa book two ng Meant To Be.

Nakakatuwa na dahil sa Meant To Be, bibili na ng bagong car si Jak.

Nauna nang bumili si Sanya mula naman sa talent fee nito sa Encantadia. Pinag-usapan nilang magkapatid kung uunahin nila ang pagbili ng bagong bahay, nang manakawan sila sa tinitirahan nila ngayon, pero kailangan daw nila pareho ang sasakyan papunta sa kanilang tapings at sa events na kailangang puntahan na bahagi ng ng kanilang trabaho.

Kaya ipinaayos na muna nila ang bahay nila para safe na silang magkapatid.