KUMUBRA si Pinoy tennis teen star Alberto “AJ” Lim, Jr. nang malaking panalo sa United States para patatagin ang kampanya sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Ginapi ng pambato ng University of the East at bagong miyembro ng RP Team sa SEA Games, si American Eric Hahn, 6-3, 6-1, para makopo ang titulo sa Clairemont Pro Futures Wild Card Tournament.

Bunsod nito, nakakuha ng outright berth si Lim para sa ITF Futures tournament sa September.

Umusad sa finals ang 18-anyos na si Lim nang gapiin si Brazilian Anthony Gomez, 6-2, 6-1, sa quarterfinals at American Maximilian Wild, 6-3, 6-4 sa semifinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakopo rin ni Lim, pinakabatang kampeon sa pamosong PCA Open,ang Arcadia Public Parks tournament nang madomina si Chase Masciorini, 6-2, 6-2, sa final.

Suportado ng Philippine Airlines at Philippine Sports Commission, si Lim ay pinangangasiwaan ni multiple SEAG gold medalist Cecil Mamiit at US-based Filipino Orlando Silvosa.

“AJ has a great team here,” sambit ni Silvosa. “We are confident that AJ is now ready for the Kuala Lumpur Games.

Nakatakdang bumalik sa bansa si Lim sa Aug. 14 para sa final preparation ng koponan kasama sina Ruben Gonzales Jr., Jeson Patrombon at Francis Casey Alcantara. Ang women’s team ay binubuo nina Denise Dy at Fil-German Katherine Lehnert.