NI: Ariel Fernandez

Nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang flight na maaapektuhan sa pagkukumpuni sa Runway 06/24 ngayong Linggo ng madaling araw, maging bukas, Hulyo 24.

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na itinakda ang maintenance work sa nasabing runway simula 3:30 ng umaga hanggang 6:30 ng umaga ngayong Linggo at bukas.

Aniya, walang dahilan para maantala o makansela ang mga flight dahil maaari naman aniyang magamit ang Runway 13.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter