Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz
Kababalik lang kamakailan ng isang grupo ng mga Filipino-American marine experts, na pinangunahan ng zoologist na si Dr. Terry Gosliner ng California Academy of Sciences (CAS), mula sa marine expedition sa Verde Island Passage, at kinumpirmang nakatuklas sila ng 30 nudibranch species, dalawang sea urchins, at ilang bagong species ng soft corals.
Ginalugad ng mga grupo ng diver ang mabababaw at malalalim na ecosystems upang idokumento ang saganang species, suriin ang lagay ng ecosystem, at kumalap ng mga datos para sa pangangalaga sa karagatan.
Matagal nang pinagtutuunan ang Verde Island Passage sa maraming expeditions ng Akademya dahil ito ang most biologically diverse sa mundo.
Bumibisita sa lugar ang mga researcher ng CAS simula noong 1992, at nang taong iyon ay nakatuklas ng mahigit 1,000 species na bago sa siyensiya.