Ni MARY ANN SANTIAGO

Sugatan ang isang police colonel, na dating hepe ng Binangonan Municipal Police Station sa Rizal, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Masuwerteng nakaligtas at patuloy na nagpapagaling sa ospital si Police Supt. Noel Versoza, 50, nakatalaga sa PNP Regional Personnel Holding Account Unit (RPHAU), at nakatira sa Crestwood Camella, Barangay San Luis, Antipolo City.

Humarurot naman ang mga suspek, na kapwa nakasuot ng medical mask, matapos ang pamamaril.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Sa ulat nina officer-on-case PO1 Joney Cacayan at PO3 Rodolgo Bautista, ng Antipolo City Police, naganap ang pamamaril sa isang gasolinahan sa J.P. Rizal Street sa Bgy. Dela Paz, bandang 6:15 ng umaga.

Sakay umano si Versoza sa kanyang Mitsubishi Adventure (LEB-289) at nagpapakarga ng gasolina nang hintuan ng mga suspek at pinaulanan ng bala.

Inaalam na ng awtoridad kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang insidente.