Ni: Nitz Miralles

KUNG mauuwi sa kasalan ang relasyon ninaMacky Mathay at Sunshine Cruz, wala silang magiging problema sa kani-kanyang mga anak. 

sunshine-macky-001-copy

Tanggap ng tatlong anak ni Sunshine si Macky as their mom’s boyfriend at tanggap din ng mga anak ni Macky si Sunshine as their dad’s girlfriend.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakita na namin sa ilang okasyon na sama-sama ang dalawang pamilya at para silang isang buong pamilya na. Gaya na lamang sa pagbisita ni Sunshine sa Correctional Institute for Women, hindi lang ang mga anak ang kasama, pati rin si Macky at ang tatlo anak din nito.

Ang sweet pa ng message ni Macky para kay Sunshine, “I will always be here for you, my Sunshine, in every possible way I will love and support you. Sinabi ko sa ‘yo ‘yan sa simula pa lang and I will stand by that. I cannot imagine myself being without you anymore.”

Muling nagsama-sama ang dalawang pamilya sa tila advance birthday treat ni Macky sa 40th birthday ni Sunshine at ang birthday message nito sa girlfriend ay, “Looking forward to many more birthdays together! A happy birthday to you, my Sunshine!”

Sa social media, “My Macky” at “My Sunshine” ang tawagan ng dalawa. Siguradong mas may sweet pa silang terms of endearment outside social media. Maganda sanang malaman kung ano ‘yun.