Ni: Dave M. Veridiano, E.E.

NAPAKASUWERTE ng mga mag-aaral sa Taguig City. Magpakasipag lamang sila sa pag-aaral ay sangkaterbang biyaya at tulong pang-edukasyon ang kanilang makukuha, lalo na ngayong ipinatupad na ng pamahalaang lungsod ang mga karagdagang allowance para sa mga iskolar ng programang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) at ang pagpapalawak sa coverage ng programang Merit Incentive.

Kahit saang unibersidad ay maaari silang makapag-aral, basta ang kailangan ay mataas at natatanging grade ang kanilang maipapakita bilang mga iskolar ng Taguig. Batay sa tala ng programang ito, 42,000 scholars na ang naka-enroll sa iba’t ibang institusyon; kabilang na ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU)… astig ‘di ba?

Ang programang ito, na tinawag na LANI – obvious na hango sa palayaw ng mayora ng Taguig – ay may 15 Top 10 board passer at dalawa sa mga ito ang topnotcher.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Hindi biro ang perang ibinubuhos dito ng pamahalaan ng Taguig, gaya halimbawa ng pagkakaloob ng karagdagang tig-P5,000 per school year para sa mga scholar na nasa ilalim ng Basic, State Universities and Colleges (SUCs)/Local Colleges and Universities (LCUs) at Basic Plus scholarship program. Kaya ang dating natatanggap na P10,000 ay magiging P15,000 at ang dating P15,000 ay magiging P20,000 na.

Nitong Hulyo 13, nasa 1,293 LANI scholars ang nakatanggap ng ipinatupad na mas mataas na educational assistance ngayong semester, sa distribution ceremony sa Taguig City University (TCU) auditorium. Ginagawa ito kada semester at umaabot sa 13,000 estudyante ang nabiyayaan nito.

Ang scholarship allowance ay P15, 000 hanggang P60, 000, depende sa scholarship type na tinatawag na Premier, Full, Priority, Basic, SUC/LCU, Basic Plus, Leadership and Educators Advancement and Development (LEAD) or Review.

Ang Merit Incentive Program ay nakalaan naman sa mga scholar na kinakailangang may weighted average (WA) na 1.75 o mas mataas pa. Magkakaroon pa sila ng P10, 000, bukod pa sa kanilang scholarship allowance. Medyo may kahirapan ngunit makukuha sa sipag at tiyaga para makatapos, ‘di ba?

Mula sa pagiging estudyante hanggang sa paghahanda sa pagkuha ng review class para sa napipintong pagkuha ng mga bar at board exam, ay ‘di napuputol ang grasyang pang-edukasyon. May P20,000 ang kukuha ng bar at medical board exam. At P15,000 para sa ibang exam. Ang mga kumukuha ng masters (MA) o doctoral (PhD) degree ay may tig-P10,000 mula sa Taguig Learners’ Certificate (TLC) program. May 5,000 grantees mula sa 47... private partner schools ang nakikinabang dito.

Para sa kasalukuyang taon, ang programang ito ay may P625 milyong pondo – at ang makikinabang dito ay ang mga estudyanteng makakapasa sa mga itinakdang qualification gaya ng: kinakailangang ikaw ay taga-Taguig; nakarehistrong botante sa lungsod o kaya ay may isa sa kanyang magulang na nakarehistro; at may good moral character.

“Kami ay nagagalak na sa darating na mga taon ay darami na rin ang mga estudyanteng may kakayanang makatapos ng pag-aaral at makakuha ng de-kalidad na edukasyon para makaahon sa buhay. Ang karagdagang halaga para sa mga scholar ay makakahikayat din sa iba pang mga estudyante na ipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos,” wika ni Mayor Lani Cayetano.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]