Ni: Francis T. Wakefield at Roy C. Mabasa

Ayon sa isang opisyal ng Department of National Defense (DND), nag-alok ang Singapore ng ISR o Intelligence Surveillance Reconnaissance aircraft sa pakikipaglaban sa mga terorista, partikular sa Maute Group sa Marawi City.

Ang rebelasyon ng opisyal, na humiling na huwag pangalanan, ay naitaon habang kausap ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa tanghalian ang Singapore Defense Minister Ng Eng Hen sa Marriott Hotel sa Pasay City nitong Martes, bilang bahagi ng dalawang araw na pagbisita ng huli sa Maynila.

“First, nagpasalamat ‘yung Singaporean defense minister kay SND (Lorenzana) for the leadership and decisive action in Marawi kasi they believe iyong terrorism affects the whole region,” sabi ng source. “Nag-offer sila ng tulong sa ISR operations ng Pilipinas.”

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Samantala, nagpadala na ng tulong ang Amerika sa mga naapektuhan ng labanan sa Marawi, sa pamamagitan ng critical health and education services sa mga sibilyan.

Ayon sa US Embassy sa Manila, sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID), nagkaloob ang US government ng potable water, 12,000 jerry cans (water containers) at 96,000 chlorine tablets sa 12,000 pamilya sa evacuation sites sa Lanao del Norte, at Lanao del Sur.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año na batay sa kanilang pagtaya, mayroon pang 60-70 terorista sa siyudad.