SINGAPORE – Kapwa kinapos ang Philippine boys and girls volleyball team sapat para sa bronze medal na pagtatapos sa 9th ASEAN Schools Games nitong Miyerkules sa Republic Polytechnic.
Matikas na nakihamok ang Pinoy spikers, subalit lubhang mas matataas ang Indonesian rivals na nagawang madepensahan sa hirit nila sa net tungo sa 25-15, 25-19, 25-23 kabiguan.
Malapader ang depena nina Daffa Adryanshah Muhammad, Nurhidayat Kaula, at Damar Saputtra Okky—pawang may taas na five-foot-eight – dahilan para mapigil ang ratsada ng Pinoy sa kabuuan ng laro.
May pagkakataong na nakakasingit ang hataw nina Kenneth Roi Culabat, Noel Raphael Kampton, at Vincent Caberte, subalit sa sandaling postehan ng tatlong Indon ang nets, walang hirap ang kanilang arya.
Sa kabila ng kabiguan, masayang nagdiwang ang koponan, higit at muling kinilala ng Volleyball Sports Committee ang katapatan ni Culabat nang isaoli niya ang napulot na kagamitan sa rest room ng playing venue.
Pinagkaoooban siya ng Youth Olympic Games 2010 collector’s item volleyball at mga tsokolate kasama ang liham na pagbati ng organizers.
“Dear Kenneth Roi De La Rosa Culabat, the volleyball sports working committee appreciate your character in and out of the court. You have raised the image of your country,” nakasaad sa sulat.
“Congratulations to your country and family for raising a fine gentleman. Thank you.”
Samantala, hindi rin nakalusot ang Pinay belles laban sa Indonesian girls, 18-25, 20-25, 25-16.