Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Isang Amerikano ang kinasuhan ng child abuse matapos umanong barilin ang isang siyam na taong gulang na lalaking Pilipino sa Barangay Fatima sa New Washington, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Lewis Sanderson, na kinasuhan na ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) sa Aklan Provincial Prosecutor’s Office.

Ayon kay SPO1 Nida Gregas, information officer ng Aklan Police Provincial Office, isinuko ng maybahay ni Sanderson sa pulisya ang airgun na ginamit umano ng suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Base sa imbestigasyon ng New Washington Police, umakyat sa puno ng mangga ang bata nang barilin ito ng suspek.

Tinamaan ang biktima sa braso at kasalukuyang ginagamot sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo.