Ni: PNA

ANG pagkakalantad sa ozone, isang mapaminsalang greenhouse gas at laganap na nagpapadumi sa hangin sa mga siyudad, ay maaaring maging sanhi ng sakit sa puso, gaya ng atake sa puso, alta-presyon at stroke, ayon sa pag-aaral sa Chinese adults.

Ang ozone ay isang pollutant na nabubuo sa pamamagitan ng chemical reaction kapag ang sinag ng araw ay nalantad sa nitrogen oxides at iba pang mga organic compound na nabuo sa pamamagitan ng pagsusunog, usok ng sasakyan, at ilang likas na pinagkukunan.

“We know that ozone can damage the respiratory system, reduce lung function and cause asthma attacks,” saad sa pag-aaral na inakda ni Junfeng Zhang, mula sa Duke and Duke Kunshan University. “Here, we wanted to learn whether ozone affects other aspects of human health, specifically the cardiovascular system.”

Pinag-aralan ni Zhang at kanyang grupo ang 89 na malulusog na residente sa Changsha City sa China, sa loob ng isang taon. Sinusubaybayan nila ang mga antas ng panloob at panlabas na antas ng ozone, at iba pang mga pollutant.

Sa apat na interval, kinuha ng grupo ang mga sample ng dugo at ihi ng mga participant at gumamit din sila ng breathing test na tinatawag na spirometry, upang suriin ang mga bagay na nakakapagdulot ng sakit sa puso at baga.

Sinuri ng grupo ang inflammation at oxidative stress, arterial stiffness, blood pressure, clotting factors at lung function ng bawat isa.

Anila, ang blood platelet activation, na nagiging dahilan ng clotting, at alta-presyon, ay nagmumungkahi ng posibilidad na ang ozone ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng puso.

“This study shows that standards for safe ozone exposure should take into account its effect on cardiovascular disease risk,” saad ni Zhang.

Ang natuklasan ng grupo, na pawang mula sa Duke University, Tsinghua University, Duke Kunshan University, at Peking University, ay nailathala kahapon sa American journal na JAMA Internal Medicine.

“This study provides mechanistic support to previously observed associations between low-level ozone exposure and cardiovascular disease outcomes,” saad sa pag-aaral. “Given that global tropospheric ozone concentration is rising, it is imperative to determine how to minimize its harms on health.”