Ni: Mary Ann Santiago

Aabot sa P150 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok sa pagsiklab ng sunog sa electronics at furniture building sa Pasig City kahapon.

Tumagal ng 15 oras bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig ang apoy na lumamon sa Mario’s Arcadia building, na matatagpuan sa Pag-asa Street, C. Raymundo sa Barangay Caniogan.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy dakong 6:00 ng gabi kamakalawa at naapula bandang 9:00 ng umaga kahapon.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa inisyal na ulat, sinasabing faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na nagsimula sa ikatlong palapag na bodega ng mga electronics at kumalat sa ikaapat na palapag na kinapapalooban naman ng mga office furniture at equipment.

Walang iniulat na nasaktan sa insidente.