Ni: Reggee Bonoan

‘FAST rising actor in the industry’ ang paglalarawan kay Yassi Pressman, malaking factor kaya kinuha siyang kauna-unahang Filipina endorser ng Nivea Deodorant.

Hindi lumilipas ang isang oras na wala sa television screen si Yassi sa rami ng endorsements na sa bilang niya ay nasa 17 products lahat. Nangangahulugan na effective siyang endorser, dahil hindi siya pagkakatiwalaang kunin kung hindi.

YASSI copy copy

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Flattered ang dalaga sa pagkakapili sa kanya bilang unang Pinay endorser ng Nivea Deo.

Sumakto naman dahil bago pa man siya kinuha ay gumagamit na siya at ang best friend niya ng nasabing produkto, lalo na ang Nivea Extra White Deo Serum na bukod sa effective ay affordable pa.

“Nahihiya po ako (banggitin), actually, super proud po ako sa mga endorsements ko at hindi ko po siya ipagkunwari dahil lahat ng product na napupunta sa akin ay nagagamit ko o nagamit ko before pa bago ako kuning endorser kaya tested ko na po talaga,” sabi ni Yassi.

Napakalaking tulong kay Yassi ng exposure niya sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil napapanood ito sa primetime at leading lady pa siya ni Coco Martin.

“Sobrang malaking tulong po talaga ang malaking honor din po sa pagiging parte ng FPJ’s Ang Probinsiyano, doon pa lang sobrang blessed na blessed na ako,” pag-amin ng aktres.

Pero kung marami ang boto sa pagiging leading lady ni Coco sa serye ay marami rin ang bashers dahil may iba silang gusto para makatambal ng aktor.

“Mayroon naman pong mga ganu’n sa social media sa panahon na ito, mapaartista o kahit na anong trabaho natin, wala po tayong magagawa. Ako po, minsan naapektuhan, minsan wala... bina-brush up ko lang, hindi ko sila sinasagot, wala talaga,” katwiran ni Yassi.

Iniwasan ba niya si Coco para walang isyu ang bashers?

“Okay lang po kami, normal lang kapag nasa set, nag-uusap naman kami kasi araw-araw kaming magkakasama. Normal lang si Coco, kung sweet siya, sa lahat po iyon hindi lang sa iisang tao,” sagot ng aktres.

Klinaro rin niya na hindi siya dinadalhan ng pagkain ni Coco tulad ng nababalita.

Walang love life ngayon si Yassi dahil wala siyang sapat na panahon.

“Wala po kasi akong time, minsan ko na nga lang po nakikita ‘yung bahay ko at saka family ko. Mondays to Saturdays po, (taping ng) Probinsyano, ‘pag Sundays ang Pambansang Third Wheel (shooting ng movie) kaya puno po talaga ako.

Punumpuno naman po ako ng love kaya hindi ko naman nami-miss ang love life,” masayang sabi ng dalaga.

Itinanggi rin ni Yassi na nagpapaligsahan sila ng kaibigan niyang si Nadine Lustre sa paramihan ng product endorsements.

Tungkol sa isyung okay lang kay Nadine ang pakikipag-live in, ganito rin ba ang pantuntunan sa buhay ni Ms Pressman?

“Hindi po kasi ako prepared magka-boyfriend,” sambit ng dalaga.

Ano ang opinyon niya sa sinabi ni Nadine na okay ang live-in at sa natatanggap nitong panlalait ng bashers?

“Ang alam ko po parang hindi naman (live-in sina Nadine at James Reid), bumibisita lang po yata. Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita saka nag-uusap. Early last year pa kami huling nagkita kasi nga sa work ko,” pagtatanggol ni Yassi kay Nadine. “Hindi ko po alam ‘yung live-in issue at wala po akong stand at ayaw kong sumagot on their behalf.”

Samantala, walang tampo o anuman si Yassi na hindi siya kasama sa pelikulang Ang Panday dahil ‘pag nangyari raw iyon ay parang karugtong na rin ito ng FPJ’s Ang Probinsyano at higit sa lahat, masaya ang aktres na si Mariel de Leon ang leading lady ni Coco sa 2017 MMFF entry.