Ni: Gilbert Espeña
NULING ipagtatanggol ni OPBF super flyweight champion Rene Dacquel ang titulo sa Japan laban kay dating South Korean super flyweight champion Hayato Kimura sa 12-round na sagupaan bukas sa Korakeun Hall sa Tokyo.
Ito ang ikalawang depensa ni Dacquel ng kanyang korona mula nang maging regular OPBF titlist una kay dating world rated Go Onaga sa Okinawa noong Agosto 21, 2016 at kay Shota Kawaguchi sa Osaka noong Abril 2, 2017 na kapwa niya tinalo sa puntos.
Malaki ang mawawala kay Dacquel kung tatalunin ng nakabase sa Kanagawa na si Kimura, Joo-In Yoo ang tunay na pangalan, dahil nakalista siya sa world rankings bilang No. 10 sa IBF, No. 14 sa WBO at No. 17 sa WBC sa junior bantamweight rankings.
May rekord si Dacquel na 19-6-1 win-loss-draw na may 6 ba panalo sa knockouts samantalang si Kimura ay may kartadang 26-9-0 win-loss-draw na may 17 pagwawagi sa knockouts.