NI: Mary Ann Santiago

Isang bungo at ilang piraso ng mga buto ng tao ang nadiskubre ng mga basurero sa tambak ng basurang kanilang hinahakot sa Sta. Cruz, Maynila, nabatid kahapon.

Batay sa report ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 4:10 ng umaga nitong Hulyo 11 nang matagpuan ang ilang buto ng tao kasama ng mga basura sa panulukan ng Dimasalang at Amparo Streets sa Sta. Cruz, ngunit dakong 4:50 ng hapon nitong Linggo lamang ito inireport sa pulisya.

Sa salaysay sa pulisya ni Joel Rosales, 37, garbage collector ng IPM at taga-Permanent Housing, Tondo, nangongolekta sila ng basura sa nasabing lugar nang mahalukay nila ang bungo at mga buto ng tao.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Inilagay umano nila sa isang kahon ang mga buto at ibinigay kay Lourdes Egea, chairwoman ng Barangay 371, Zone 31, na nag-report ng insidente sa pulisya.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng mga buto at kung sino ang nagtapon nito sa basurahan.