Creamline's Alyssa Valdez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Creamline's Alyssa Valdez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

ni Marivic Awitan

HINDI makakalaro sa huling tatlong preliminary matches ng Creamline si Alyssa Valdez.

Nakatakdang tumulak patungong Japan ang National Team kung saan miyembro ang four-time UAAP MVP para magsanay bilang bahagi ng paghahanda sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ngunit, sinulit naman ni Valdez ang huling birada sa Cool Smashers nang maitala ang 30 puntos para gapiin ang Pocari Sweats nitong Sabado para mapanatiling malinis ang karta ng Creamline Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

“I was super inspired to play in today’s game," pahayag ng league 4-time MVP na si Valdez.

“Hindi mo kasi masasabi kung ano ‘yung babalikan ko after training ko. Thankful ako that my teammates and the management and coaching staff are very supportive, As a team maganda din ‘yung pinakita namin sa conference na ‘to." aniya.

Umaasa si Valdez na sa kanyang pagbabalik ay makakasama pa niyang maglaro ang mga teammates sa semifinals matapos ang sasabakang dalawang linggong training kasama ng National Team sa Japan sa Agosto 2.

Para kay Valdez, malaking kagaanan sa kanyang pakiramdam na maiiwang nasa magandang posisyon ang Creamline na naghahangad na maiangat ang naitalang third place finish noong Reinforced Conference .

Susunod na makakalaban ng Creamline habang wala si Valdez ang winless pa ring University of the Philippines Lady Maroons at Power Smashers.

“Hopefully maging maganda ‘yung flow. I’m really confident sa mga teammates ko. Everyone, nandiyan’ yung veteran pressence ni Ate Ging [Balse], nandiyan si Jia [Morado], si Pau [Soriano],” sambit ni Valdez..

“I-inspire lang namin ‘yung isa’t isa. I’m training not only for the national team but, also, for the team na iiwan ko."