BILIB na bilib si Direk Dominic Zapata sa cast ng Mulawin vs Ravena. Desidido kasi ang lahat ng mga artista na mag-improve araw-araw at galingan pa ang trabaho para sa ikagaganda ng kanilang show. 

“Dennis (Trillo) is impressive. I think a lot of his co-actors learn a lot from him. As a viewer there’s a wealth of talent in what he does. P’wede mo siyang ilagay kahit saan at gagalingan niya,” kuwento ni Direk Dom.

Puring-puri rin niya ang mas batang cast ng show. 

“Gusto ko si Kiko (Estrada) kasi I like his work ethics. I like that he tries to better himself everyday, and I could say the same thing for all my actors. It has become a culture in their group not only when it comes to acting, pati sa pangangatawan nila obvious naman kayDerrick (Monasterio) or sa kanilang moves. The following day you see that they’re a little bit better and better. That’s the culture that I try to inculcate in the group.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sulit na sulit naman ang kanilang hard work dahil gabi-gabi ay dalang-dala ang mga manonood sa bawat pangyayari sa Mulawin vs Ravena. Higit sa lahat, very proud at masaya ang GMA management sa de-kalidad na show na umaani ng mataas na ratings.