Ni: Bella Gamotea

Patay ang isang steelman makaraang makuryente sa trabaho sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa San Juan De Dios Hospital ang pansamantalang hindi pinangalanang biktima, 25, dahil hindi pa naipapaalam ang nangyari sa pamilya nito sa Samar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, nangyari ang aksidente sa isang gusali sa Macapagal Boulevard, dakong 10:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinakialaman umano ng biktima ang makinang ginagamit sa pagwe-welding at sinubukan magkabit ng welding rod, habang walang suot na guwantes, hanggang sa nangisay at nalapnos ang katawan.

Agad itong isinugod sa ospital ng kanyang mga katrabaho ngunit patay na nang makarating.