Ni BELLA GAMOTEA

Pinatay na nga ay tinangayan pa ng motorsiklo ang isang rider sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Eddie Elayon, nasa hustong gulang, ng Bacoor, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang pamamaril sa panulukan ng Chino Roces at Arnaiz Avenue, Barangay Pio Del Pilar, Makati City, dakong 3:00 ng madaling araw.

Hindi na humihinga at nakasuot pa ng helmet nang datnan ng mga barangay tanod si Elayon.

Ayon sa isang saksi, hindi nagpabanggit ng pangalan, nakarinig siya ng tatlo hanggang limang putok ng baril at namataan ang isang lalaki na nagmamadaling nagpatakbo ng motorsiklo mula sa nakabulagtang biktima.

Narekober sa pinangyarihan ang isang .9mm baril at apat na basyo ng bala.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.