Ni: Jun Fabon

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo ng umano’y pagpapakamatay ng isang kasambahay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rosalinda Nacorda y Apron, 57, tubong Samar, pumapasok na kasambahay sa No. 54 7th Avenue, Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.

Sa report ni PO3 Hermogenes Capili, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nadatnan na lamang nakabigti si Nacorda sa isang tailoring shop, dakong 5:30 ng madaling araw.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Base sa imbestigasyon ng CIDU, sabay na natulog sa maid’s quarter ang biktima at kapwa niya kasambahay na si Jemily Suello, dakong 11:00 ng gabi. Nang maalimpungatan, nagulat na lamang umano si Suello na wala na sa kanyang tabi ang biktima.

Hinanap umano ni Suello si Nacorda hanggang sa makitang nakabigti sa katabing tailoring shop.

Inaalam na rin kung may nangyaring foul play.