Ni: Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon

Iniimbestigahan na ang pamamaril at pagpatay sa tindero ng sigarilyo sa isang palengke sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Ronnie Gastalla, 45. Siya ay ibinulagta sa loob ng Star Market, sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Sta. Monica, dakong 11:15 ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nagising sa sunud-sunod na putok ng baril ang mga nagtitinda bago natagpuang nakabulagta si Gastalla.

Eleksyon

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni: 'Set aside political colors'

Hindi umano nakita ng mga nagtitinda ang armado sa paglabas nila sa kani-kanilang stall. Dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang nakuha ng awtoridad sa pinangyarihan.

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang.