Ni: Reuters

Pinatahimik ni Kim Kardashian ang mga espekulasyon na gumagamit siya ng cocaine, nilinaw na ang mga puting linya na nakita sa mesa sa isa sa kanyang social media postings ay mga marka sa marble table.

kIM copy

Nagbunsod ng 24 oras na rampant speculation sa Twitter ang Snapchat video posting nitong Lunes, dahil sa nakitang mga mesa sa background, na ang maimpluwensiyang bida ng Keeping Up With the Kardashians na may dalawang anak ay nakunan daw ng camera na gumagamit ng cocaine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Unang sumagot si Kim, 36, mayroong 101 milyong followers sa Instagram, nitong Martes sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa tweet na ang mga puting linya ay “sugar from our candy mess” mula sa isang tindahan sa New York na pinuntahan nila ng kanyang mga anak na sina North at Saint sa rapper na si Kanye West.

Sa close-up video ng mesa, na ipinaskil sa kanyang Twitter at Snapchat accounts kinahapunan ng Martes, sinabi ni Kim na noong una ay inakala niyang ang mga linya ay candy, ngunit iyon pala ay marble design sa mesa sa kanilang hotel room sa New York.

“That was not candy on my table! The table was marble this whole time! ...C’mon. I don’t play like that... It’s just not my lifestyle - I’ve never been like that,” aniya.

Isa si Kim sa most followed celebrities sa social media, na may business empire sa fashion at beauty bunga ng kanyang TV reality show.