Ni: Mary Ann Santiago

Nagbigti ang isang tindera matapos na umanong pagbawalang makipag-boyfriend sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rosevin Abril, ng 154-B Donya Aurora, M.H. Del Pilar, Barangay Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni Police Senior Insp. Robert Garcia, hepe ng Pasig City Police-Criminal Investigation Unit, nadiskubre ni Mark Anthony, kapatid ni Rosevin, ang bangkay ng biktima sa loob ng banyo sa kanilang bahay, bandang 10:30 ng umaga.

Gagamit sana ng banyo si Mark Anthony nang bumulaga sa kanya ang bangkay ng nakabigting kapatid.

National

Resbak ni VP Sara: 'Ang mga totoong magnanakaw, hindi sa bangko pinapasok ang pera—kundi sa maleta!'

Ayon kay Garcia, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na posibleng dinamdam ng biktima ang pagbabawal sa kanya na makipag-boyfriend.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.