Ni: Bella Gamotea

Patay ang isang rider makaraang pumailalim sa isang sports utility vehicle (SUV) na nakasalpukan nito sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Elmar Valeriano, 25, ng No. 615 Protacio Street, Pasay City, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya naman ng Makati City Traffic Enforcement Unit ang driver ng Ford Everest (IL-7184) na si Jonmar Relacion, 33, Unit 14 San Martin St., Barangay Kapitolyo, Pasig City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na ipinarating Southern Police District (SPD), naganap ang banggaan sa panulukan ng Finlandia at Dian St., Bgy. San Isidro, dakong 4:20 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Orante, binabagtas ng Ford Everest ang Finlandia St., patungong Osmeña Highway, nang makasalubong ang humaharurot na motorsiklo, Honda XRM (NA 3653), ni Valeriano sa Dian St., Buendia Avenue.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, hindi umano nagbigayan sa intersection ang dalawa hanggang sa magkasalpukan at makaladkad ng ilang metro ang motorsiklo at pumailalim si Valeriano sa kotse.

Si Relacion ay nakatakdang maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.