Ni REGGEE BONOAN

DATING nasa selection committee sa 2016 Metro Manila Film Festival si Ms. Mae Paner o Juana Change at dahil taun-taon naman ay nababago ang mga miyembro nito ay yata siya sa natanggal pagpasok ng 2017.

Trulili kaya ang nakarating na balita sa amin na tila nagsalita ng hindi maganda si Ms. Paner sa pamunuan ng MMFF ukol sa mga napiling pelikula ngayong 2017?

Nag-post kasi si Ms. Paner na conflict of interest ang pagkakasali ng pelikulang Ang Panday ni Coco Martin sa MMFF dahil franchise raw ito ni Fernando Poe, Jr. at isa si Sen. Grace Poe sa mga miyembro ngayon ng execom. Kaagad namang ipinagtanggol ni Ms. Susan Roces ang Ang Panday na hindi naman pala pag-aari ng namayapang esposo dahil si Carlo J. Caparas ang may-ari nito.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Anyway, how true ulit na gustong magpa-appoint ni Ms. Paner bilang isa sa execom member kapalit ng mga nag-resign na sina Ricky Lee, Rolando Tolentino at Kara Magsanoc-Alikpala? Hindi ba conflict of interest ito dahil pagkatapos mag-post ni Ms. Paner ng kung anu-ano tungkol sa Ang Panday at nagsalita ng hindi maganda sa MMFF, heto at gusto niyang umupong bilang isa sa execom members?

Ay, teka, natatandaan namin na kasama nga pala sa selection committee noong 2016 si Ms. Paner pero nakiki-promote at kasamang pumarada sa float ng Sunday Beauty Queen. Ano ‘yun?

Anyway, bukas ang pahinang ito para kay Ms. Juana Change.