NEW YORK (AP) – Nag-strike ang daan-daang manggagawa, kabilang ang mga baggage handler, tagalinis at customer service agent sa tatlong paliparan sa New York.

Dakong 9:00 ng gabi nitong Martes, tumigil sa pagtatrabaho ang mga manggagawa sa Newark Liberty International Airport dahil sa labor dispute sa kanilang employer na PrimeFlight, na subcontractor ng ilang airlines.

Sinabi ng tagapagsalita ng 32BJ Service Employees International Union na binabalak nilang mag-strike sa John F. Kennedy International Airport, at LaGuardia Airport kinaumagahan. Target din nila ang Philadelphia International Airport. Titigil sila sa pagtatrabaho sa susunod na tatlong araw.

Hindi pa malinaw kung paano makaaapekto ang strike sa mga paliparan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na