Ni: Bella Gamotea

Anim na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang barangay tanod na pinagtulungang barilin ng apat na lalaki sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Las Piñas General Hospital si Dindo Acompanado, nasa hustong gulang, tanod ng Barangay Almanza II, at nakatira sa TS Cruz Subdivision, Almanza II ng nasabing lungsod.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng helmet at sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.

National

Oil price hike, asahan ngayong Abril 29

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa TS Cruz Subdivision, dakong 9:00 ng gabi.

Nakatayo si Acompanado sa nasabing lugar nang sumulpot ang apat na armado at makailang beses pinaputukan.

Nang makitang duguang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.