Nina ROMMEL TABBAD at JUN RAMIREZ

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang coach ng GlobalPort Batang Pier sa PBA at incumbent Quezon City councilor na si Franz Pumaren kaugnay ng hindi pagbabayad ng mahigit P20-milyon buwis ng kanyang kumpanya.

Ayon sa BIR, nilabag ni Pumaren ang Tax Code sa mga hindi nabayarang buwis ng retail firm na All Best Chodvale Development, Inc., na aabot ng P20.45 milyon, noong 2009.

Batay sa record ng kaso, si Pumaren ang presidente ng All Best na nakabase sa Mandaluyong City.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Si Pumaren ay dating player ng San Miguel Beer at isang multi-titled collegiate basketball coach.

Bukod kay Pumaren, naghain din ang BIR ng hiwalay na kasong kriminal laban sa tatlo pang negosyante sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa mahigit P10 milyon sa kabuuan.

Kinasuhan din ng tax evasion sina William Stelton at Lawrence Ong, presidente at treasurer ng Bistro Italiano Corporation sa Eastwood, Libis, Quezon City; at si Dennis Tia, presidente ng Cebu Fiesta Island sa Ali Mall Food Gallery, Araneta Center, Cubao.