Ni GILBERT ESPENA
Pacquiao, nadomina ni Horn sa iskor ng WBO independent panel.
KINATIGAN ng independent panel ang kontrobersyal na desisyon ng mga hurado at pinagtibay ang ‘unanimous decision’ na panalo ni Jeff Horn ng Australia kontra kay eight-division world titlist Manny Pacquiao nitong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.
Sa pamamagitan ng Games and Amusement Board (GAB) at sa personal na kahilingan ni Pacquiao na i-review ang naturang laban na tinaguriang ‘Battle of Brisbane’, tumalima ang Puerto Rico-based organization na magsagawa ng independent review.
Sa opisyal na pahayag nitong Lunes (Martes sa Manila), sinabi ng WBO na tatlo sa limang miyembro ng independent panel na nagsagawa ng review sa laban ay pumanig kay Horn. Isa lamang ang umayon kay Pacquiao at nagbigay ng draw ang nalalabing hurado.
Nagmula umano sa iba’t ibang bansa ang limang hurado na personal na pinili ni WBO President Francisco Valcarcel.
Ngunit, tumanggi ang WBO na pangalanan ang mga ito. Aniya, binigyan niya ng kani-kanilang score card at nagbigay ng iskor batay sa 100, 80 at 60 percent.
Batay sa resulta ng analysis, sinabi ng WBO na nakuha ni Pacquiao ang panalo sa 3rd, 8th at 9th sa iskor na 100 percent, ang 5th round ay 80 percent at ang 11th ay 60 percent. Nakuha naman ni Horn ang panalo sa 1st, 6th at 12th round sa iskor na 100 percent, ang 2nd, 4th at 7th sa 80 percent at ang 10th sa 60 percent.
“Based on this, five (5) anonymous, competent Judges from different countries were asked to watch the bout without sound. Then, the independent results were tabulated to ascertain clearly the rounds each fighter won using an average scale based on 60, 80 and 100 per cent. To determine the winner of each round, 3 out of the 5 officials have to be in agreement,” pahayag pa ng WBO.
“From the results, it can be established that Pacquiao won 5 rounds while Horn won 7 rounds,” anila.
Ayon sa WBO ang mga iskor ng independent panel ay nagkumpirma sa panalo ni Horn.
Nauna nang hiniling ng GAB ang review ng laban bilang bahagi ng kanilang mandato na maproteksyunan ang integridad ng sports.
“Our feeling is, if you’re quiet, you’ll get abused but if you complain, they’ll be careful ... Manny is a senator, a champion, but was like wrestled there, abused by them,” pahayag ni GAB chairman Baham Mitra.
“If it can be done to him, it can be done to any other Filipino boxer,” aniya.
Sinaksihan ng my 51,000 katao ang laban nina Horn at Pacquiao sa Suncrop Stadium kung saan nagbigay ng iskor sina Waleksa Roldan (117-111), Chris Flores at Ramon Cerdan (115-113).
“It gives me evidence behind me that I can just use now. Instead of saying ‘I think I won the fight,’ now a heap of other people — professionally — think I won the fight,” pahayag ni Horn.
“It’s definitely nice to have it finally put on paper. Now just to have it clear in front of us is good.”
May pagkakataon si Pacquiao para sa rematch batay na rin sa kontratang nilagdaan sa laban. Wala pang pormal na pahayag hingil dito, ngunit nauna nang ipinahayag ng dalawang fighter ang kagustuhan na muling magharap sa lona.
Wala namang komento ang WBO tungkol sa maruming taktika ni Horn tulad ng pang-uulo, paniniko, at iba pang dapat nitong ikina-disqualify kung sa ibang lugar naganap ang sagupaan.