Ni: Marivic Awitan

NADOMINA ni Kuala Lumpur-Southeast Asian Games bound Rustom Lim ang Open Elite category sa idinaos na Tour de Manille nitong Linggo sa Northpark ng MOA ground sa Pasay City.

LIM copy copy

Sa tulong at suporta ng kanyang mga teammates sa continental team na 7 Eleven by Roadbike Philippines, ginapi ni Lim ang nakatunggaling 33 pang mga elite riders na pinangungunahan ng mga miyembro ng Philippine Navy Standard Insurance at Go -for-gold.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Tinapos ng dating Asian Junior Championships bronze medal winner ang karera sa tiyempong isang oras, pitong minuto at tatlong segundo, 16 na segundo ang agwat sa kakamping si Arjay Peralta na sumegunda sa karera.

Napigilan naman ang pagwalis ng 7-Eleven sa top 3 spots nang sumingit si Go-for-gold team skipper Ronnel Hualda na tumapos na pangatlo.

Pumang -apat naman sa kanila at pumanglima ang mga Go-for-gold riders na sina Jerry Aquino Jr. at Orlie Villanueva.

Ikinasiya ni Lim ang naging panalo na inaasahang makakadagdag kumpiyansa sa kanyang pagpedal sa SEA Games sa Malaysia sa susunod na buwan.

Sa 34 na sumali sa elite category, 19 lamang ang nakatapos sa karera na idinaos bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 taon ng pagkakaibigan ng France at Pilipinas.