Ni JIMI ESCALA

HINDI itinanggi ni Ronnie Alonte na sa hitsura niya at sa edad na 20 ay naranasan na rin niyang umiyak dahil sa isang babae. Minahal niya ng labis ang babaeng iniyakan niya nang mauwi lang sa wala ang kanyang matiyagang panliligaw.

Medyo natagalan din siyang nakarekober at nangyari ito nang sundin niya ang payo ng kanyang ina.

Pinayuhan siya nito na huwag mainip at maghintay lang dahil tiyak namang makakalimutan niya ang nangyari.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Ngayong kabilang si Ronnie sa all-male group na Hashtags, inamin din niya na may girls na nagpapalipad-hangin sa kanya. Bukod dito, nali-link si Ronnie kina Sue Ramirez at Loisa Andalio.

Pero agad niyang klinaro na pareho lang niyang kaibigan ang dalawa bagamat hindi niya itinatago na mas malapit siya sa huli kaysa una.

Samantala, busy ngayon si Ronnie sa dalawang projects niyang Bloody Crayons at ang A Love To Last. Sa Bloody Crayons ay kasama niya sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Yves Flores, Jane Oineza, Maris Racal at Empoy Marquez.

Siyempre, sa A love To Last ay ginampanan ni Ronnie ang role bilang isa sa dalawang avid suitors ni Julia Barretto. Lead stars nila sina Bea Alonzo at Iza Calzado at ang super sikat ngayong si Ian Veneracion.