DOHA (REUTERS) – Mayroong $340 bilyong reserves ang Qatar kabilang ang holdings ng kanyang sovereign wealth fund na makatutulong sa Gulf country para kayanin ang pagputol ng ugnayan ng mga makakapangyarihang katabing bansang Arab, sinabi ni central bank governor Sheikh Abdullah Bin Saoud al-Thani sa CNBC.

“This is the credibility of our system, we have enough cash to preserve any kind of shock,” aniya sa news channel sa panayam na inilathala nitong Lunes ng umaga sa kanyang website.

Sinabi ni Al-Thani na ang central bank ay mayroong $40 bilyong reserves bukod pa sa gold, habang ang Qatar Investment Authority ay mayroong $300 bilyong reserves na kaya nitong i-liquidate.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na