Ni: Jun Fabon
Aabot sa P500,000 ang halaga ng ari-ariang naabo sa pagsiklab ng sunog sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City kamakalawa.
Ayon kay Quezon City fire marshall Senior Supt. Manuel Manuel, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula sa 2-storey mansion na pag-aari ni Carmencita Bautista sa Gajo Street, Corinthian Garden.
Aniya, sumiklab ang apoy sa isa sa mga kuwarto ng bahay at mabilis na kumalat sa ikalawang palapag, bandang 4:30 ng hapon.
Naapula ang apoy, umabot sa ikalawang alarma, makalipas ang isang oras.
Walang iniulat na nasawi o nasugatan at hanggang ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog.