BREAK na sina Billie Lourd at Taylor Lautner, at kinumpirma ito ng isang source sa People.

“They aren’t together anymore but they are still friendly,” sabi ng source. “She’s really focused on her work right now.”

BILLIE at TAYLOR copy

Namataan si Lautner, 25, na dumalo sa party sa Bootsy Bellows sa Malibu nitong Hulyo 4 na hindi kasama si Lourd, 24.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang aktres ay mapapanood sa susunod na season ng American Horror Story ni Ryan Murphy.

Tahimik sa Instagram ang dalawa at Mayo pa nang huling mag-post tungkol sa isa’t isa. Ilang linggo na rin silang hindi nagla-like sa post ng isa’t isa.

Ang huling post ni Lautner na kasama ng aktres ay noong Mayo 24, na may nakasulat na caption na, “feelin’ lucky every day.” Ang huling larawan naman nilang magkasama sa Instragam ay noong Abril pa. Post ito tungkol sa pagpunta nila sa concert ni Britney Spears.

Nagsimula ang relasyon nina Lourd at Lautner bago pumanaw ang ina ng Scream Queens actress na si Carrie Fisher, at lola, na si Debbie Reynolds, noong Disyembre. Napag-alaman din na kasama ni Lourd si Lautner sa ospital ilang araw bago pumanaw si Fisher.