Ni: Marivic Awitan

NANATILING positibo si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes para sa kanyang koponan sa gitna ng dumaraming kaso ng injuries sa kanyang mga players, isang linggo bago sumabak sa Jones Cup sa Taiwan.

Pinakahuling nadagdag sa injured list ang playmaker na si Jiovano Jalalon na nagtamo ng sprained ankle sa nakaraang 105-101 panalo nila kontra Blackwater noong Biyernes ng gabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napinsala ang Star rookie mahigit apat na minuto pa ang nalalabi Gayunman,

sinabi nitong hindi naman grabe ang kanyang injury dahil sprain lamang ito.

Ang pagkakaroon ng 16 na kataong pool ang nagsisilbing garantiya kay Reyes na may makakapalit sa puwesto kung sakali ng mga injured nyang players.

“I don’t know the extent of Jio’s injury, but at least, we are getting a lot of guys that are coming in and playing,” ani Reyes.