Ni: Mary Ann Santiago

Sinimulan na kahapon ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagdaraos ng kanilang tatlong araw na plenary assembly, at inaasahang magiging highlight nito ang paghahalal ng kanilang mga bagong opisyal.

Si outgoing CBCP President Socrates Villegas, arsobispo ng Lingayen-Dagupan, ang nanguna sa plenary at sa huling pagkakataon ay nagbigay ng mensahe sa kanyang mga kapwa obispo.

Ayon kay Villegas, dapat na maging bukas-palad lagi, at hindi kailanman magtitikom ng kamao, ang Simbahan sa paglapit ng mamamayan.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Inaasahang magtatapos ang plenaryo bukas, Hulyo 10.