MEXICO CITY (AP) — Nasa 94 na rifle at 30,000 bala ang nadiskubre ng mga sundalo sa Nuevo Laredo, sa ibayo ng Laredo, Texas.

Ayon sa Defense Department, natunugan ng isang patrol ang pagtakas ng isang armadong grupo mula sa isang bahay nitong Biyernes. Sinabi nito na nakatagpo ang mga sundalo ng assault rifles, tatlong .50-caliber sniper rifles at granada sa pinangyarihan.

Sinabi ng departamento na ang mga armas at 20 military-style uniforms ay pagmamay-ari ng drug cartel, ngunit hindi binanggit kung ano.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo