INIREKLAMO ng isang kandidata ng Miss Philippines Earth 2017 beauty pageant ang photographer ng isang pahayagan na diumano’y nanghipo sa kanyang ‘behind’ sa isinagawang press presentation sa isang hotel sa Manila nitong Miyerkules.

Kim De Guzman copy

Kinumpirma ni Kim de Guzman, 24, ang nasabing insidente ngunit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.

“Gusto po kaming pagharapin sa security office ng hotel pero hindi na lang. Ayoko na kasi palakihin pa,” sabi ni De Guzman sa isang eksklusibong interview pagkatapos ng Resorts Wear competition na ginanap sa Versailles Palace sa Alabang, nitong Huwebes ng gabi.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isa source mula sa environment-driven pageant ang nagsabi na hinipuan ng photographer sa puwet si De Guzman at ang iba pang mga kandidata at nakita iyon ng mga panauhin.

Nakasuot ang 40 kandidata ng two-piece swimsuits nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa source, na tumangging magpabanggit ng pangalan, kinumpiska ni Lorraine Schuck, EVP of Carousel Productions, ang namamahala sa taunang pageant, ang ID ng photographer at dinala ito sa security office ng hotel.

“Very indecent! First time nangyari ito since the Miss Philippines Earth contest started in 2001,” dagdag pa ng source.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa insidente.

Isa si De Guzman sa front-runners ng patimpalak nang makatanggap siya ng ilang special awards sa pre-pageant activities nitong mga nakaraang linggo.

Gaganapin ang grand coronation night ng Miss Philippines Earth 2017 beauty pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hulyo 15.