Ni NITZ MIRALLES

BUMISITA kami sa taping ng Celebrity Bluff at una naming nakausap si Edu Manzano, ang official bluffer ng comedy game show, na aminadong nag-i-enjoy sa show dahil hindi lang siya natatawa, may mga bago ring natututuhan.

EDU AT UGE copy

“Hindi lang ako kasama sa cast dito, nakikinig din ako sa mga itinatanong at marami rin akong natututunan. Apektado rin ako sa mga contestants. Masarap dito sa Celebrity Bluff hindi gaano kabigat ang role ko. Kailangan lang alam ko ang trivia. Well, may briefing naman before the show and as a bluffer, hindi lahat ng sinasabi ko ay tama,” kuwento ni Edu.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Puring-puri niya ang mahuhusay ng mga kasama niya sa show mula kay Eugene Domingo na nadadala siya sa galing sa comedy at pagho-host. Si Brod Pete na maganda ang style ng comedy at si Boobay na grabe magpatawa na sinasamahan ng physical comedy at kung minsan, tuma-tumbling pa.

Inalam namin kay Edu kung totoo ang balitang aalisin siya sa Celebrity Bluff dahil bibigyan ng sariling game show at kung totoong kasama siya sa cast ng Alyas Robin Hood 2 na nag-storycon na last Thursday (pagkatapos ng interview namin).

“Wala akong alam na game show na gagawin ko. As for Alyas Robin Hood, may nagsabi, pero wala pang kongkreto. Kung may storycon mamaya, walang nagsabi sa akin at hindi rin ako makakapunta dahil sa taping ng Celebrity Bluff. Dito muna ako sa Celebrity Bluff, mahaba pa ang lalakbayin nito at nag-i-enjoy ako.”

Samantala, bukas, sa 1st Eddys: Entertainment Editors Awards, first time magsasama bilang hosts sina Edu at ang anak na si Luis Manzano.

“Pinag-usapan na nga namin ni Luis kung ano ang gagawin, kailangan naming ibalanse ang seriousness at comedy.

Ibibigay ko na kay Luis para kung may magalit, sa kanya magagalit at hindi sa akin,” wika ni Edu na tiyak na papalagan ni Luis.

Ang ganda ng sinabi ni Edu tungkol kay Luis at sa pagpatol nito sa bashers.

“Patola talaga ‘yun. Tinatawagan ko nga siya at ang sabi, nagpapatawa lang siya. He’s very protective of his family and friends. Sa mga nakakakilala kay Luis, mahiyain siya, lumalabas lang ang performance level niya ‘pag nasa stage siya. Ang pinaka-best friends niya, best friends pa niya noong high school siya,” paglalarawan ng mahusay na ama sa kapwa mahusay na panganay.