Ni: Mary Ann Santiago

Limang katao, kabilang ang isang buntis, ang nasugatan nang kaladkarin ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang sinasakyan nilang rescue ambulance sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jaime Pagas, 41, driver ng ambulansiya; ang buntis na si Marilou Vallas Sayco, 35; Perla Vizcaya; Sally Marcelo; at Eduardo Marcelo.

Sa ulat na ipinarating kay Supt. Lucille Faycho, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nangyari ang aksidente sa panulukan ng Antipolo at Blumentritt Streets, bandang 3:45 ng hapon.

National

Buwelta ni Rep. Adiong kay VP Sara: Bigas sa panahon ni FPRRD, ₱70/kilo at may bukbok

Nabatid na galing ang tren sa Tutuban at patungong Alabang, habang mula sa Caloocan ay patungong ospital ang ambulansiya (NI-436) upang ihatid ang buntis.

Nakatawid pa umano sa riles ang ambulansiya ngunit inabutan ito ng tren.

Nabatid na bagamat nasugatan ay nakapanganak nang maayos kahapon ang buntis.