UNITED NATIONS (Reuters) – Nagbabala ang United States nitong Miyerkules na handa itong gumamit ng puwersa, kung kinakailangan, para mapigilan ang nuclear missile program ng North Korea ngunit mas nais ang diplomatikong aksiyon laban sa pagpakawala ng Pyongyang ng intercontinental ballistic missile na kayang tamaan ang Alaska.

Sinabi ni US Ambassador to the United Nations Nikki Haley sa pagpupulong ng UN Security Council na ang mga aksiyon ng North Korea ay “quickly closing off the possibility of a diplomatic solution” at handa ang United States na depensahan ang sarili nito at ang kanyang mga kaalyado.

“One of our capabilities lies with our considerable military forces. We will use them if we must, but we prefer not to have to go in that direction,” ani Haley.

Internasyonal

Katy Perry, pumunta sa outer space kasama ng iba pang all-female crew