Ni: Marivic Awitan
IPAGDIRIWANG ng bansang France at Pilipinas ang ika-70 araw ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa Hulyo 9.
Kaugnay nito, isasagawa ang isang cycling event-ang Tour de Manille -- na magkatulong na inorganisa ng embahada ng France sa bansa at Firefly Brigade.
Bunsod na rin ito ng matinding pagkahilig at pagmamahal ng mga Pranses at mga Pinoy sa sports na cycling, ang naturang event at paraan para sa layuning palakasin ang tinatawag na "global camaraderie " sa pamamagitan ng sports.
Magsisimula ang event ganap na 5:00 hanggang 9:00 ng umaga sa North Park sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Ayon kay Firefly Brigade president Jack Yabut, ilan sa magiging kaganapan sa pagtitipon ay ang fun ride, karera para sa sportive men at sportive women gayundin para sa mga elite riders.
Samantala, may mga naghihintay namang mga medalya at salaping papremyo para sa lahat ng mga mananalo na igagawad nina Yves Zomberman at Millie Dizon, French Councilor for Coordination and Cultural Affairs at SM Vice President for Marketing, ayon sa pagkakasunod.