HANDA na ang lahat para sa pagsulong ng National Capital Region leg of the Shell National Youth Active Chess Championships sa Sabado at Linggo sa MOA Music Hall.
Tampok ang pinakamahuhusay na chess player mula sa Manila at karatig lalawigan sa nine-round Swiss system tournament.Ang mangungunang tatlong player sa bawat kategorya at mangungunang babae sa dibisyon ang makakausad sa National Finals.
Ang mga event na paglalabanan sa five-stage regional circuit para sa kiddies (7-12), juniors (13-16) at seniors (17-20) para sa lalaki at babae.
Nagsimula ang ika-25 season ng torneo sa Batangas City nitong Hunyo kung saan nagtagumpay sina Philippine Science High School’s Stephen Rome Pangilinan sa juniors crown, Michael Concio Jr. ng Dasmariñas National High School sa Cavite ang kiddies plum at si Lyceum’s Jonathan Jota sa seniors play.
Umusad din sa National Finals na nakatakda sa Oct. 7-8 sa SM MOA ay sina runners-up Daniel Quizon (juniors), Mark Jay Bacojo (kiddies) at Romulo Curioso Jr. (seniors) gayundin ang top female player na sina Kylen Joy Mordido (juniors), Daren dela Cruz (kiddies) at Venice Vicente (seniors).
Nakatakda ang Northern Mindanao qualifying leg sa SM City Cagayan de Oro (Aug. 12-13) , habang ang Southern Mindanao ang host sa Sept. 2-3 sa SM City Davao.
Kabilang sina World No.2 Wesley So, Grandmaster Mark Paragua at Nelson Mariano II, sa rated internationalist na produkto ng program na suportado ng Shell V-Power, Shell Advance, Shell Rimula, Shell Helix, Shell Fuel Save, Shell Card at SM Supermalls.
Bukas pa ang pagpapatala para sa 400 na lahok, makipag-ugnayan kay Alex Dinoy at 0922-8288510.