
SACRAMENTO (AP) – Isa pang beterano – sa katauhan ni Vince Carter – ang aktibong lalaro sa pagbubukas ng season nang makipagkasundo sa Kings para sa isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$8 milyon.
Ang 40-anyos na si Carter ang pinakamatandang aktibong player at nalalabi kasama si Dirk Nowitzki sa batch 1998.
Sa Memphis Grizzlies, naitala niya ang averaged walong puntos, at 3.1 rebound sa kabuuang 24.6 minutong paglalaro.
Target ng 8-time All-Star na malagpasan si Patrick Ewing sa No.21 sa all-time scoring list, maging si Jerry West sa top 20. Sa natipong 24,555 puntos, may 638 puntos lamang ang layo ni Carter sa marka ni West.