Ni: Dave M. Veridiano, E.E.

SA kabila ng kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa mga tiwaling pulis, may ilan pa ring matitigas ang ulo na nahuhuli, at ang masama rito ay sila ang lumalabas na pasimuno sa mga katarantaduhang ginagawa ng ilang sibilyan.

Lumalabas tuloy na hindi sila natatakot sa mga parusang ipinapataw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga naarestong tiwaling alagad ng batas – tulad ng pagpapatapon sa magugulong lugar sa Mindanao, gaya ng Marawi City na mahigit isang buwan nang may bakbakan sa pagitan ng mga terorista at ng puwersa ng pamahalaan.

Sa palagay ko, isa sa mga pangunahing dahilan ng katigasan ng ulo ng ilang pulis na ito ay ang lantarang pagkanlong sa kanila ng mga amo nilang pulitiko na kasalukuyang nakaupo sa kani-kanilang puwesto. Ngunit kung sila ay hindi kukunsintihin ng mga nakaupong local official ay mas sa malamang na makapag-iisip ang mga ito sa paggawa ng kalokohan sa kanilang mga area of responsibility (AOR).

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Gaya ng paninindigan ng pamunuan ng Taguig City na hindi umano nila kukunsintihin ang anumang sindikatong matutuklasan nila sa kanilang siyudad, maging ito man ay gawain ng ordinaryong mamamayan o ng pampublikong opisyal… at parang gusto ko na ring maniwala sa kanila kung magtuluy-tuloy ito.

Nito kasing Biyernes ay ipinakita ng pamunuan ng Taguig City ang kanilang pagmamatigas na agad na idemanda at parusahan ang grupong kinabibilangan ng isang pulis, anim na barangay tanod at isa pang sibilyan na pawang inireklamo ng pangongotong sa isang truck driver at helper nito.

Kinilala ang mga inireklamo na sina Police officer Cesar Espejo, 34; mga miyembro ng Barangay Security Force na sina Reggie Adrales, 29; Bobby Tejero, 43; Rolly Barcelo, 41; Antonio Bontia, 51; Antonio Bag-Ao, 44; at Marcelino Perdonio; at kanilang kasama na si Stephanie Villanueva, 24.

Mga kaso ng illegal possession of firearms, illegal possession of drugs, kidnapping at usurpation of authority ang kanilang kinakaharap matapos nilang arestuhin at dalhin sa multipurpose hall ng Barangay Western Bicutan ang mga biktima upang kikilan ang mga kamag-anak ng mga ito kapalit ng kalayaan.

Inaresto ang mga suspek sa entrapment operation ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) sa San Rafael, Bulacan kung saan naganap ang sinasabing pangingikil. Isa na lamang sa mga suspek, si Perdonio, ang pinaghahanap ngayon ng mga operatiba ng PNP-CITF na nakikipag-ugnayan sa awtoridad ng Taguig City.

“Ang Taguig ay tagapagtaguyod ng tama at tapat na serbisyo. Kung... makatanggap man kami ng mga report tungkol sa mga ilegal na gawain ng aming mga empleyado, hindi kami magdadalawang-isip na gawin ang tamang aksiyon para pigilan sila.

Ito ang aming pangako na makapagbigay ng patas at dekalidad na serbisyo publiko sa lahat ng Taguigeños,” sabi naman ni Mayor Lani Cayetano, na galit na galit sa mga naarestong suspek.

Dagdag pa ni Mayor Cayetano, ‘di raw dapat mag-atubili ang mga taga-Taguig na isumbong sa kanyang opisina ang anumang katiwaliang malalaman nila o kaya ay itawag sa: 165-7777 ang kanilang mga reklamo upang maaksiyunan.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]