Ni: Bella Gamotea
Apat na araw na makatotohanang “shake drill” ang isasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Hulyo, bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o “The Big One” sa Metro Manila.
Simula sa Hulyo 14, Biyernes, sa ganap na 4:00 ng hapon, ay ilulunsad ng MMDA ang shake drill at tatagal ito hanggang sa Hulyo 17, Lunes.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, magkakaibang senaryo ang kanilang ipakikita; gaya ng pagresponde sa sunog, pagkasira ng tulay, at pagkawala ng supply ng kuryente at tubig na malimit mangyari tuwing tumatama ang lindol.
Aniya, tatagal ng 15 segundo ang drill at hahatiin sa apat na quadrant ang evacuation center.
Nakatakdang makiisa sina MMDA General Manager Tim Orbos at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum.