Ni: Bella Gamotea

Pitong oras mawawalan ng supply ng tubig ang ilang barangay sa Taguig City at Parañaque City simula ngayong Huwebes hanggang bukas.

Sa abiso ng Manila Water, simula mamayang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bukas ay pansamantalang puputulin ang linya ng tubig sa 18,000 bahay na sakop ng dalawang lungsod.

Kabilang sa mawawalan ng tubig ang Barangays Central Bicutan, Upper Bicutan, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Maharlika, Bagumbayan, at North Daang Hari sa Taguig.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Apektado rin ng kawalan ng supply ng tubig ang Bgy. St. Martin de Porres sa Parañaque City.

Ito ay bahagi ng pagkukumpuni ng Manila Water sa mga sirang tubo sa pumping station ng Department of Science and Technology (DoST) sa Bicutan.