ANG Basketball Referees Association for Schools, Colleges and University (BRASCU) ang napili ng Management Committee na magsilbing technical official para sa Season 93 ng NCAA basketball na magsisimula sa Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

Sinabi ni deputy commissioner Atty. Rebo Saguisag na napagkaisahan na kunin ang serbisyo ng 40-man pool referee mula sa BRASCU upang makaiwas sa kontrobersya na nililikha ng magkakaibang interprestasyon sa rules of play.

Sa nakalipas na season, tatlong grupo ang kinuhang referee ni NCAA Commisioner Andy Jao. Si dating PBA player at collegiate coach Arturo ‘Bai’ Cristobal ang tatayong commissioner ngayong season.

“This year, we tapped BRASCU because we want consistency and one interpretation of our rules,” pahayag ni Saguisag.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA