Ni NORA CALDERON

“KAHIT saan ako makarating, babalik at babalik pa rin ako kung saan ako nagsimula.” 

Ito ang mga salitang binitiwan ni Maine Mendoza nang mag-celebrate siya ng kanyang 2nd Anniversary sa Eat Bulaga at sa showbiz last Tuesday.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Consistent pa rin si Maine sa laging sinasabi niya simula pa nang ma-interview siya two years ago, na hindi niya alam kung ano ang nakita sa kanya para siya ang bigyan ng mga ganitong blessings.

MAINE copy

“Marami po naman kasing mga tao na may mga talents, bakit ako?” tanong ng dalaga. “Pero ngayon po na nakadalawang taon na ako rito, labis-labis ang pasasalamat ko dahil naranasan kong gumawa ng maraming commercials, movies, nagkaroon ng teleserye, nakapunta sa mga lugar na hindi ko inisip na mapupuntahan ko, at dahan-dahan, nagkaroon ako ng self-confidence. Salamat din kay Alden (Richards) na hindi po ako pinabayaan sa lahat ng mga ginagawa ko, sa lahat ng mga pinagdaanan ko, naming dalawa, na kahit anong gawin namin, kahit anong endorsement o project na gawin namin, nariyan kayo para suportahan kami.

“Kaya salamat po sa inyo, kahit saan ako makarating, babalik at babalik pa rin ako kung saan ako nagsimula, ako pa rin po si Maine Mendoza, na hindi marunong magsalita, hindi marunong sumayaw at kumanta, ang alam lamang magpapangit ng mukha. Salamat po dahil sa inyong lahat, dahan-dahan na rin akong lumalabas sa aking shell.”

Pagkatapos ay nagsuot siya ng Yaya Dub outfit, ang unang imahe na nagpasikat sa kanya.

True enough, dahil sa barangay nagsimula si Maine bilang si Yaya Dub, sa halip na sa Broadway Studio ay sa Barangay Kabayanan, San Juan City niya ginawa ang kanyang special dance number, sa gitna ng daan, kasama ang kanyang fans na pawang naka-Yaya Dub outfit.

Pagkatapos, sinamahan siya ni Paolo Balesteros at siyempre, mawawala ba ang kanyang favorite leading man na may regalo sa kanya, ang isaw na paborito nilang kainin, ang mga MicMic na paboritong candy ni Maine at bouquet of flowers na hindi nalilimutan ni Alden tuwing may okasyon sa buhay ni Maine at sa buhay nilang dalawa. 

Nagbigay din ng message si Alden sa dalaga: “Sa journey mo na nagpasaya ka sa mga tao, sa akin, at sa Eat Bulaga, umasa kang hindi ka namin pababayaan.”

Pero ano kaya ang ibig sabihin ng pagbalik ni Lola Nidora (Wally Bayola)? Tulad ba ng sinabi ni Maine na kahit saan siya makarating ay babalik pa rin siya, ibig bang sabihin, babalik ang kalyeserye? 

Tinanong na nga ni Lola Nidora si Alden kung inaalagaan daw ba niya si Maine habang wala ito. Biniro pa siya ni Lola na ang payat daw ni Maine, ibig daw bang sabihin, may kasunod na ang kambal nilang anak? 

Hintayin natin kung ano ang susunod na gagawin ng Eat Bulaga ngayong nakadalawang taon na sa kanila si Maine Mendoza.

Totoo ang sabi ng dalaga na sa loob ng dalawang taon, marami nang naibigay sa kanya ang showbiz, at isa rito ang endorsements na hindi lamang once siya kinontrata dahil ikinagulat niya na muli siyang pinapirma ng bagong contract sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino.

“Muli ko pong tinanong sa kanila bakit nila ako muling napili at ang ganda pa ng campaign nila na may billboard akong Forever Young bago ang actual launch namin nito sa bagong TV commercial. Ang daming nagtanong sa akin kung anong product iyon na akala ng iba tungkol sa bago naming movie project ni Alden, pero mali dahil muli kong ini-endorse ang Funtastyk Young Pork Tocino na para sa akin at sa mga nakakagusto nito, ay dahil sa young meat nito kaya madaling lutuin.”

Bilang pagwawakas nga ni Maine, sinabi niyang tuluy-tuloy na ang paghahanda nila ni Alden para sa kanilang bagong movie, pero ayaw pa niyang sabihin kung para saan ang training nila ng mhuay thai at boxing.